Playing God. Playing Victim.

You are a puppet master
With a dancing marionette
Playing god in this shadow play,
Keeping secrets, keeping pockets
Full of gold and silver, jangling in pouches
Nicked from mesmerized spectators, even the magister’s purse!

A fireworks of theater, spectacular shams, grand eruptions galore!

But oh! The sirens assault and the audience scampers except YOU, thick-skinned fiend, whisper more, whisper more, whisper more
rumours in the ears of foot-soldiers! Play your part. Play it so. Play victim to the convoluted catacombs of your imagined riches.

Advertisements

Don’t compare yourself to the one that broke me once.

You are much more than you credit yourself to be.

Lagusan

this is my first poem in tagalog. pls don’t be too hard on me 😂

Nasa loob tayo ngayon ng isang napakahabang lagusan

madilim, makipot,

mahirap huminga

nakakapuot –

malamig na hangin ang pumupulupot sa ating

mga balikat, malalayo ang ating mga daliri,

malalayo ang ating mga binti, malalayo ang ating mga sarili walang ibang malapit kundi

katahimikan –

nakakabingi, nakakasuka, nakakabaliw

Bakit nariyan ka sa kabilang dulo?

Nakatalikod. Dumudungaw sa liwanag

Samantalang, heto ako, nakatitig – isinasaulo -nang bawat linya at kurba ng iyong silweta

Napapaisip kung nararamdaman mo ba,

kung nagsisitindigan ba ang iyong mga balahibo?

kung may nararamdaman ka pa ba – Naalala ko noong namamasyal ang ating mga labi sa iba’t-ibang lugar ng pasikreto, mga bulong na nagdadala ng maiinit na hininga,mga yakap na nagpapakalma sa pusong pagod, pusong kapos at pusong nag-iisa

Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko? Nakikinig ka ba? hindi ito katulad ng dati! Hindi maaring ganito tayo, na para bang lahat ng bagay ay nasa kaayusan, na ang langit at ang lupa ay magkaibang daigdig pa, na para bang walang bulkang nagaalburuto sa kailaliman ng ating pagkatao, sa ating relasyon, ilang kahon na ng sigarilyo ang kailangan mong sindihan nilang kasa ng alak nang kailangan kong laklakin bago mo idura sa mundo ang katotohanan Katotohanan? Ani mo, isang nagyeyelong gabi sa tabi ng kalsada

Anong pinagsasabi mo? Hindi mo ako maintindihan. Hindi mo ako naiintindihan. Hindi mo ako iniintindi.

Putang ina. Pagod na akong habulin ka palabas ng humahabang lagusan na ito na ni minsan hindi ako nakalapit para hawakan yang mga kamay mo

Dugo’t pawis ang tumitibok sa mga tenga ko, nabibingi sa mga palusot mo

Nalilitong mga luha at makipot na lalamunan sa tuwing papalampasin mo ang araw ng walang halik sa noo

Ano pa ba ang gusto mo saakin? Pa ang itatanong mo at iinit ang ulo ko

Oo nga, ano pa nga ba ang gusto ko? Ano pa nga ba ang kailangan ko sayo?

Nung isang buwan pa ito pero hanggang ngayon hindi ko parin masambit, nagpapasensya nanaman akong muli, dahil Mahal, mahal kita… Simple at direkta, kaya nagagawa kong pagtiyagan ang distansya sa kadahilanang mahal na mahal kita. pero Mahal, tao din ako. Mahal, pagod na rin akong mahalin ka. Mahal, hindi ko na kayang ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa. Mahal, ubos na ubos na ako na naipangutang ko na ang aking kaluluwa. Mahal, naiiintindihan mo ba? Mahal, ayoko na dito sa dilim, palabasin mo na ako sa lagusang ito.